Home » Archives » January 2011
Ang buhay ng isang manunulat ay napakamakabuluhan.... malalaman at matutuklasan mo ang hindi pa natutuklasan ninuman....

Selina

January 25, 2011

SELINA

Ni: Mary Grace Orpilla Pingol

 

Ako si Andy isa akong manunulat sa isang sikat na pahayagan sa Maynila, pumunta ako sa isang lugar sa La Union upang doon ay makakalap ako ng panibagong inspirasyon sa pagsusulat ko. At doon ay nakilala ko ang isang babaeng babago sa buhay ko si Selina…

 

Marungis na damit, di magka-pares na tsinelas, puno ng dumi ang buong katawan, paano ko nga ba makakalimutan ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilan sarili ko na huwag maawa sa kanya sa tuwing nakikita ko siyang nag-iigib ng tubig sa balon malapit sa bahay nila. Ang pagpapahirap sa kanya ng pamilya niya, pagmamaltrato tuwing may nagagawa siyang pagkakamali, at kung ituring siya ay isang alila.

            Sa ilang araw kong pagtira sa lugar nila masasabi kong kahabag-habag talaga ang kalagayan niya.

            Minsan habang naglalaba ako sa balon na kung saan ay madalas siyang mag-igib, nagkaroon ako ng pagkakataong matignan siya sa malapitan. Nakangiti siyang tumingin sakin habang bumubulong.

           

“Nay wag mo akong iwan!”

            “Kaibigan mo siya? Buti ka pa may kaibigan ka ako wala…”

            “ lalalalalala….”

 

            Pinilit kong intindihin ang mga katagang sinasambit niya, di ako nakatiis at kinausap ko sya.

 

            “Kumusta ka anong pangalan mo?” sinubukan ko siyang tanungin at nag-asam ng kasagutan kung maiintindihan niya ang sinabi ko.

 

            “Nay bakit mo ako iniwan? Nay.. nay…” ang isinagot niya..

 

            Tinitigan ko nalang siya habang papalayo sa akin.

           

Tinanong ko ang isang kilala ko sa lugar nila upang alamin kung sino siya at bakit naging ganoon siya..

 

            “ Ah si Selina yun, maganda siya diba? Makikita mo yung kagandahan niya kahit na marungis siya.” Sagot nito.

 

            “Oo maganda siya, pero anong nangyari sa kanya? Bakit siya nagkaganoon?”

 

            “Hindi naman siya ganyan dati, masayahing bata yan noon maraming nagkakagusto sa kanya, pero nabago ang lahat nung mag-asawa ng iba ang si Selya. Si Mando, mabait si Mando sa umpisa ng pagsasama nila ni Selya. Subalit nagbago ito nang mabarkada ito at nahilig sa babae, lagi na niyang sinasaktan ang mag-ina. Hanggang sa isang araw nag-overtime sa trabaho si Selya, itong si Mando ay ginahasa si Selina. Nalaman ni Selya ang nangyari sa anak at inaway si Mando, nakita ni Selina kung paano sinakal ni Mandi si Selya hanggang sa malagutan ito ng hininga. Si Mando naman dahil natakot sa ginawa ay binaril ang sarili. Malaking trauma ang nangyaring iyon kay Selina kaya nagkaganyan siya.” Mahabang kwento nito.

 

            Ganun pala ang kwento niya, at ngayon ay nakatira siya sa kamag-anak niya na walang ginawa kundi alilain siya. Nabuo ang plano sa isip ko na kupkupin siya at tulungan, sinubukan kong kausapin ang kamag-anak nito subalit hindi sila pumayag wala akong nagawa kundi hintayin na lamang ang nalalabing araw ko sa lugar nina Selina at tignan na lamang siya at maawa sa kanya mula sa malayo.

 

            Isang gabi narinig ko ang malakas na sigawan kina Selina at ang malakas na iyak niya. Pinapalo siya dahil kinain niya ang pagkain nila. Hindi ako nakatiis pinuntahan ko siya nagalit ako sa nadatnan ko duguan ito ay puno ng sugat dahil makapal na kahoy ang pinagpapalo nila sa kanya. Agad kong lumapit kay Selina at tinakot ang tiyuhin nito na isusuplong ko siya sa ginawa niya. Binuhat ko si Selina palayo sa kani at dinala sa bahay na tinitirahan ko. Ginamot ko ang sugat niya, kitang kita ko ang hirap at sakit sa ekpresyon ng mukha niya.

 

            Pinilit ko siyang paliguan at bihisan ng maayos na damit, doon ko nakita ang kagandahang nakatago sa marungis na mukha nito. Kinausap ko uli siya at sinubukang tanungin, nagbabaka-sakali ng sumagot ito.

 

            “Selina, kaibigan ako, tutulungan kita sabihin mo lang sakin na may tiwala ka sakin.”

 

Tinitigan niya ako ng matagal, hinayaan ko siya hanggang sa unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

 

            “Salamat, ang tagal kong hinintay na may magliligtas sa akin mula sa kalbaryong buhay na ito. Pakiusap isama mo na ako ayoko na dito.” Lumuluhang sabi nito.

 

            Nagulat ako sa isinagot niya. “Magaling ka? Hindi ka baliw?”

 

            “Hindi, nagpanggap lang ako upang malayo sa kahihiyan na nangyari sa akin at upang makalimutan ang nangyari kay mama..”

 

            “Sige isasama kita sa Maynila, ilalayo kita rito pag-aaralin kita doon.”

 

Nag-empake na ako ng mga gamit ko, upang makaalis kami agad sa lugar na iyon. Ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko si Selina at ilalayo siya sa kapahamakan.

 

Isang taon ang matuling lumipas sa Maynila at nakikita ko na Masaya na si Selina. Niyaya ko siyang pakasal sa akin upang magsama na kami habang buhay agad naman siyang pumayag dahil mahal niya ako at mahalaga ako sa kanya.

 

Ganoon rin ako kay Selina, mula sa umpisa palang alam kong minahal ko na siya kahit na itinatago ng marungis na damit ang kagandahan niya. Si Selina ang aking inspirasyon, ang aking buhay at ang taong bumago sa aking pananaw sa buhay.

 

 

 

WAKAS

Posted by jcgrace at 10:05 am | permalink | Add comment