Selina
January 25, 2011
SELINA
Ni: Mary Grace Orpilla Pingol
Ako si Andy isa akong manunulat sa isang sikat na pahayagan sa Maynila, pumunta ako sa isang lugar sa La Union upang doon ay makakalap ako ng panibagong inspirasyon sa pagsusulat ko. At doon ay nakilala ko ang isang babaeng babago sa buhay ko si Selina…
Marungis na damit, di magka-pares na tsinelas, puno ng dumi ang buong katawan, paano ko nga ba makakalimutan ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilan sarili ko na huwag maawa sa kanya sa tuwing nakikita ko siyang nag-iigib ng tubig sa balon malapit sa bahay nila. Ang pagpapahirap sa kanya ng pamilya niya, pagmamaltrato tuwing may nagagawa siyang pagkakamali, at kung ituring siya ay isang alila.
Sa ilang araw kong pagtira sa lugar nila masasabi kong kahabag-habag talaga ang kalagayan niya.
Minsan habang naglalaba ako sa balon na kung saan ay madalas siyang mag-igib, nagkaroon ako ng pagkakataong matignan siya sa malapitan. Nakangiti siyang tumingin sakin habang bumubulong.
“Nay wag mo akong iwan!”
“Kaibigan mo siya? Buti ka pa may kaibigan ka ako wala…”
“ lalalalalala….”
Pinilit kong intindihin ang mga katagang sinasambit niya, di ako nakatiis at kinausap ko sya.
“Kumusta ka anong pangalan mo?” sinubukan ko siyang tanungin at nag-asam ng kasagutan kung maiintindihan niya ang sinabi ko.
“Nay bakit mo ako iniwan? Nay.. nay…” ang isinagot niya..
Tinitigan ko nalang siya habang papalayo sa akin.
Tinanong ko ang isang kilala ko sa lugar nila upang alamin kung sino siya at bakit naging ganoon siya..
“ Ah si Selina yun, maganda siya diba? Makikita mo yung kagandahan niya kahit na marungis siya.” Sagot nito.
“Oo maganda siya, pero anong nangyari sa kanya? Bakit siya nagkaganoon?”
“Hindi naman siya ganyan dati, masayahing bata yan noon maraming nagkakagusto sa kanya, pero nabago ang lahat nung mag-asawa ng iba ang si Selya. Si Mando, mabait si Mando sa umpisa ng pagsasama nila ni Selya. Subalit nagbago ito nang mabarkada ito at nahilig sa babae, lagi na niyang sinasaktan ang mag-ina. Hanggang sa isang araw nag-overtime sa trabaho si Selya, itong si Mando ay ginahasa si Selina. Nalaman ni Selya ang nangyari sa anak at inaway si Mando, nakita ni Selina kung paano sinakal ni Mandi si Selya hanggang sa malagutan ito ng hininga. Si Mando naman dahil natakot sa ginawa ay binaril ang sarili. Malaking trauma ang nangyaring iyon kay Selina kaya nagkaganyan siya.” Mahabang kwento nito.
Ganun pala ang kwento niya, at ngayon ay nakatira siya sa kamag-anak niya na walang ginawa kundi alilain siya. Nabuo ang plano sa isip ko na kupkupin siya at tulungan, sinubukan kong kausapin ang kamag-anak nito subalit hindi sila pumayag wala akong nagawa kundi hintayin na lamang ang nalalabing araw ko sa lugar nina Selina at tignan na lamang siya at maawa sa kanya mula sa malayo.
Isang gabi narinig ko ang malakas na sigawan kina Selina at ang malakas na iyak niya. Pinapalo siya dahil kinain niya ang pagkain nila. Hindi ako nakatiis pinuntahan ko siya nagalit ako sa nadatnan ko duguan ito ay puno ng sugat dahil makapal na kahoy ang pinagpapalo nila sa kanya. Agad kong lumapit kay Selina at tinakot ang tiyuhin nito na isusuplong ko siya sa ginawa niya. Binuhat ko si Selina palayo sa kani at dinala sa bahay na tinitirahan ko. Ginamot ko ang sugat niya, kitang kita ko ang hirap at sakit sa ekpresyon ng mukha niya.
Pinilit ko siyang paliguan at bihisan ng maayos na damit, doon ko nakita ang kagandahang nakatago sa marungis na mukha nito. Kinausap ko uli siya at sinubukang tanungin, nagbabaka-sakali ng sumagot ito.
“Selina, kaibigan ako, tutulungan kita sabihin mo lang sakin na may tiwala ka sakin.”
Tinitigan niya ako ng matagal, hinayaan ko siya hanggang sa unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
“Salamat, ang tagal kong hinintay na may magliligtas sa akin mula sa kalbaryong buhay na ito. Pakiusap isama mo na ako ayoko na dito.” Lumuluhang sabi nito.
Nagulat ako sa isinagot niya. “Magaling ka? Hindi ka baliw?”
“Hindi, nagpanggap lang ako upang malayo sa kahihiyan na nangyari sa akin at upang makalimutan ang nangyari kay mama..”
“Sige isasama kita sa Maynila, ilalayo kita rito pag-aaralin kita doon.”
Nag-empake na ako ng mga gamit ko, upang makaalis kami agad sa lugar na iyon. Ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko si Selina at ilalayo siya sa kapahamakan.
Isang taon ang matuling lumipas sa Maynila at nakikita ko na Masaya na si Selina. Niyaya ko siyang pakasal sa akin upang magsama na kami habang buhay agad naman siyang pumayag dahil mahal niya ako at mahalaga ako sa kanya.
Ganoon rin ako kay Selina, mula sa umpisa palang alam kong minahal ko na siya kahit na itinatago ng marungis na damit ang kagandahan niya. Si Selina ang aking inspirasyon, ang aking buhay at ang taong bumago sa aking pananaw sa buhay.
WAKAS
A Sad Story :(
November 30, 2010
A Sad Story
Ni: Mary Grace Pingol
Natural na sa mga Pilipino ang ma-late. Yan ang naka mind set sa akin sa tuwing papasok ako sa trabaho. At dahil laging last 2 minutes mas naging popular ang MRT na kilala sa pagiging mabilis at murang paraan ng paglalakbay dito sa Maynila. Ngunit napansin ko lamang na walang minuto na hindi siksikan dito at nagkakatulakan pa. Simula pila sa pagbili ng ticket ay dapat may sampung minuto kang allowance para di ka ma-late, labing limang minuto para sa tren at sampung minuto paglabas mula sa pintuan kasabay ng pagsalubong sayo ng isang daang katao papasok. Natatawa lamang ako kapag may kasabay akong paakyat ng escalator at kapag narinig na ang tren papalapit sa istasyon ay lalong nagkukumahog at nagmamadaling umabot sa padaang tren kahit na alam nilang hindi na talaga sila makaka abot. Mga taong nagtatakbuhan at napansin ko lamang na ako na lang ang hindi nagmamadali. Kapag naghihintay naman na ng tren ay nag gigitgitan naman kahit na maluwag naman sa loob at ang gusto ay doon malapit sa pintuan. Pati ang drayber ng tren ay nakikiusap na huwag magtulakan at maging gentleman sa mga nakatatanda, bata at babae.
Ako nga pala si Cyrus, isa akong call center agent. At sa araw-araw na pumapasok ako sa trabaho ay laging MRT ang aking sinasakyan. Nakatira ako sa Cubao kaya naman malayu-layo din at mahaba ang oras na aking bubunuin sa loob ng tren. Marami akong nakakatawang kwento sa mga nakaka-egkwentro ko loob.
Gaya ngayon, habang pinipilit kong sabihin sa sarili ko na hindi ako nangangawit at inabala ang sarili sa pikikinig ng mga paborito kong kanta sa aking ipod hindi ko parin maiwasan na hindi lumingon sa aking paligid.
Isang babae ang nakapukaw sa aking atensyon, maraming magaganda sa maynila at nagsasawa na ang mga mata ko sa kakatingin sa kanila. Ngunit bakit iba ang dating ng babaeng ito sa akin?
Lumingon ang babae sa akin at mukhang naramdaman niya na nakatingin aako sa kanya, nginitian ko siya ngunit sinimangutan ako at inirapan.
“Sungit! Kala mo naman kung sinong maganda!” naisip ko. Hindi ako sanay na nire-reject ng babae, aminado naman ako sa sarili ko na gwapo ako. Kaya kong maki-lebel sa kaguwapuhan nina Piolo, Sam at Echo kaya naman nagtataka ako kung bakit hindi man lang tinamaan sa malakas kong sex appeal ang babaeng ito.
Makati, ito na ang last station at ditto na rin ako bababa, palabas na ako sa pinto nang biglang may bumangga sa akin. Si Miss Sungit, nilingon lang ako at nagmamadaling lumabas. Aba’t, sumusobra na ito ah! Tinangka ko syang habulin pero nawa ito bigla na parang bula. Kung minamalas ka nga naman, ano bay an!
Nagmamadali ako lumabas sa station ng MRT, dahil kay Miss Sungit mukhang male-late ako sa trabaho nito. Nagmamadali akong naglakad malapit lang sa station ng building ng pinagta-trabahuan ko kaya naman laging MRT ang sinasakyan ko.
Sa elevator nakasabayan ko pa ang bespren ko at katrabaho kong si Ralph. Sa wakas may kasama na ako.
“Pre kumusta, shift mo rin ngayon? tanong ko sa kanya.
“Oo pare, okay nga eh magkasama na tayo.”
“O, san tayo mamaya? Payday ngayon di ba?
“Next time na lang Pre, may ka-date akong chikababes!”
Nakakainggit naman, buti pa ang bespren ko may date. Ako naman heto, zero ang lablayp pihikan kasi ako at hindi ko pa nararanasang mainlab. Puro lahat fling, nakikipag-flirt lang sa kung sino-sinong magagandang babaeng natitipuhan kong i-kama.
Nakakasawa na rin pala ang ganito, naisip ko kalian kaya ako magkakaroon ng seryosong relasyon. Iyong ite-text ka sa umaga na “gud morning hon, don’t forget ur breakfast ingat ka palagi, I love you” , iyong aalagaan ako pag may sakit at siya lagi ang kasama kapag may lakad ako.
Biglang sumagi sa utak ko ang mukha ni Miss Sungit. Hindi! Ayoko naman sa ganoong babae akala mo kung sinong makairap.
Tama na nga ang kakaisip, ibubuhos ko na lang ang atensyon ko sa trabaho. Sweldo ngayon kaya naman okay na okay. Dadaan ako sa grocery mamaya para makabili ng stocks na kakailanganin ko sa bahay ko.
Uwian na, hinanap ko sa paligid si Ralph para may makasabay ako sa MRT. Nakita kong abala sya sa isang sulok at nagte-text. Nilapitan ko ito para yayain nang umuwi.
“Pre sabay ka sa akin?”
“Sige Pre, hindi tuloy ang date ko kasi hindi daw pupunta. Mag-oorganize daw sila ng rally sa school nila.” Malungkot na sabi ni Ralph. Naglakad kami papuntang MRT station habang nagkukwentuhan.
“Estudyante ang ka-date mo Pre? Wow naman saan mo naman napulot yan ha?
“Nag-aaral siya sa UP Diliman Pre, nakatira siya sa building ng Pad natin.”
“Talaga? Bakit hindi ko siya nakikita?”
“Nagkukulong lang siya sa kwarto niya at kung minsan may mga pumupunta sa pad niya na mga estudyante. Akala ko nga laging may party sa kwarto niya, minsan pinakinggan ko, wala naman akong marinig na ingay.” kwento ni Ralph
“Baka naman nag-aaral sila?”
“Kakaiba siyang babae pre. Pakiramdam ko inlab ako sa kanya kaya naman niyaya ko siyang makipag-date sakin.”
Pero, inindyan ka? Teka sino ba yang babaeng yan ha? Maganda ba yan at ganyan ka na ka-baliw sa kanya?
“Gail ang pangalan niya Pre, mala-Angel Locsin ang kagandahan pati na ang katawan! Hindi lang yung napaka-bait pa niya at matalino. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko!”
“Ok, heto na ang tren tara na, inom na lang tayo sa bar malapit sa atin.”
“Sige pre, uwi muna tayo magbibihis lang.”
Hindi karamihan ang tao sa bar na pinuntahan naming, tamang-tama. Pumuwesto kami ni Ralph sa sulok, mamaya na ako makikipaglandian sa mga magagandang babae kapag nakainom na ako. Tinignan ko ang kasama ko, limang taon na rin kaming magkaibigan at hindi pa kami nagkaroon ng alitan. Magkasundo kaso kami, liban sa isang bagay. SiRalph kasi ang tipo na seryoso pagdating sa isang relasyon kaya naman ito ang naloloko. Minsan naaawa na ako sa kanya, sobrang bait naman kasi palibhasa probinsyano.
Natigil ang pag-iisip ko nang biglang may brasong yumakap sa akin mula sa likuran. Si Pamela isa sa mga naka-fling ko.
“Hello baby Cy, I’m alone tonight. Pwede mo ba akong samahan sa condo ko?”
“Sorry Pam, busy ako, besides may work pa ako bukas.”
“Hmmmmp! Okay sa iba na nga lang goodbye!” nagmarsta itong lumayo sa amin.
“Pare! Bago yan ah? Tintanggihan mo na ang grasya?” natatawang sabi ni Ralph.
“Wala lang akong gana ngayon pre.” Matamlay na sagot ko.
“Sige inom na lang tayo!”
Naka-limang bucket kami ng Red Horse pero pakiramdam ko hindi pa ako nalalasing. Samantalang ang kasama ko tumba na, binayaran ko na ang bill at inalalayan na si Ralph. Tama na ang ininom ko nang makauwi ako at maiuwi ko rin ang kaibigan ko.
Inihatid ko muna si Ralph sa pad nya, sa second floor ng building ito at ako naman ay nasa third floor. Naisip kong wag na lang mag-elevator at umakyat nalang sa hagdan. Paakyat na ako nang maulingan ko na may umiiyak na babae. Hinanap ko ito at nakita ko ang babaeng nakaupo sa hagdan nakaputi itong pantulog at natatakpan ang mukha sa mahaba niyang buhok kaya di ko makita.
Bihla akong kinilabutan, puti ang suot ng babae at mahaba ang buhok, baka naman multo ito! Dala narin siguro ng kalasingan at matapang ko siyang nilapitan kahit sa loob ko ay nakakaramdam ako ng takot.
“Miss okay ka lang?” tanong ko ditto.
“Mukha ba akong okay ha? Nakikita mo na ngang umiiyak ang tao!” galit na sagot ng babae sabay harap sa akin.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya! Si Miss Sungit! Pagkakataon nga naman oo.
“May problema ba Miss? Baka matulungan kita?”
“Bakit sino ka ba ha?”
“I’m Cyrus Brielle Flores, ikaw?” sabay lahad sa kamay ko.
Tinignan niya muna ang kamay ko at atubiling nagpakilala.
“Nada Abegail Andrada, tagarito ka rin?
“Oo sa third floor ako, ikaw?”
“Dito sa second floor, bago lang ako dito.”
“Ganun ba, so care to share kung ano yan problema mo?”
“Nag-aaway kami ng parents ko, galing kasi ako sa broken family at pinag-aawayan nila ang support nila sa akin. May new family na kasi daddy ko si mommy naman may boyfriend. Nahihirapan na ako, nalulungkot kasi pakiramdam ko wala na akong pamila.”
“Bakit kinukulang ba sila sa suportang pinansyal?”
“Hindi, di naman iyon ang problema eh. Yung moral support nila ang kailangan ko.”
“Mahaba-habang usapan ito ah, gusto mo dun tayo sa pad ko mag-usap? Don’t worry I’m harmless.”
“Hindi na, inaantok na rin ako.”
“Sige, but can I get your number?”
“Okay, akin na phone mo.”
Binigay ko sa kanya ang phone ko. Nagpaalam na ito nang maibalik sa akin ang phone ko, Nada Abegail napakagandang pangalan at napakaganda rin niya.
Nag-shower muna ako bago ako natulog para walang gaanong epekto ang alak sa paggising ko.
Dinamita
November 1, 2010Dinamita
Ni: Mary Grace Pingol
Isang taon.
Isang taon na rin ang nakalilipas. Ngunit sa anim na taong lumipas sa buhay nya ay sariwa parin ang mga masklap na pangyayari na pilit niyang idinadaan sa limot. Pilit man niyang kalimutan ay kusang bumabalik sa kanya ang mga ala-ala tuwing siya ay napapalingon sa asul na karagatan. At heto na naman gaya ng araw-araw na pangyayari sa buhay nya, ngayong nakatuon na naman ang paningin nya sa karagatan, parang pelikulang bumalik sa utak nya ang mga ala-ala ng nakaraan.
One year ago…
“Kumusta Ben? Mukhang marami ang huli nating isda ngayon ah?” salubong sa kanya ni Aling Martha. Isa sa mga suki nya na laging nag-aabang sa tuwing siya’y pumapalaot sa karagatan.
“Swerte lang po talaga ang araw na ito Aling Martha, mukhang mabait ang dagat ngayon at binigyan ako ng maraming huli.” Natutuwang sa sabi niya habang inlalagay sa banyera nito ang mga isdang napili nito.
“Sana araw-araw na ganito nang maka-ipon ka ng pangtustos sa pag-aaral sa mga kapatid mo.”
Siya na lang ang inaasahan ng kaniyang mga kapatid mula nang mamatay ang kaniyang nanay at tatay. Ang bangkang gamit niya ay pag-aari ng kanyang ama.
“Oo nga po eh, gusto ko rin po na makatapos silang lahat nang di nila maranasan ang hirap na pinag-daanan ko.”
“Siya, dadagdagan ko ang bayad ko diyan sa mga huli mo. Dalawang libo na itong dalawang banyera para makabili ka rin ng bagong gamit mo.
“Naku salamat po Aling Martha! Malaking tulong narin po sa amin ang idinagdag mo.
“Walang anuman, mauna na ako at ibebenta ko pa ito sa palengke.”
“Pagkatapos niyang linisan ang kanyang Bangka, ay agad siyang umuwi. Magtatanghali narin kailangan na niyang magluto.
Sa bahay nadatnan niya sina Jun-jun at Liya na nanonood ng TV.
“Kuya! Nandyan ka na pala kanina ka pa naming hinihintay!” natutuwang sabi ni Liya.
“Oo nga kuya kanina pa kami nagugutom. Hindi nakabili si Ate Mabel ng pagkain kasi wala ka daw naibigay na pera”. sabi ni Jun-jun
“Pasensya na nakalimutan ni Kuya, di bale tara sa tindahan ni Aling Lourdes bili kayo ng pagkain nyo.”
Tuwang-tuwang sumama ang dalawa niyang kapatid anim na taon na si Jun-jun grade one na ito sa susunod na pasukan, si Liya naman ay apat na taon pa lang. Ang sumunod sa kanya na si Melba ang nag-aaral ngayon, third year high school na ito, siya naman ay nakatapos na ng highschool at papasok sana sa kolehiyo kung hindi namatay ang mga magulang nya noong isang dahil sa isang aksidente. Bibisitahin sana ng mga magulang niya ang ama ng tatay niya na maysakit sa Bulacan ngunit naaksidente ang buys na sinasakyan nila. Simula noon sya na ang naghahanap-buhay para sa kanilang magkapatid.
Maganda naman ang takbo ng buhay nila at ayos ang kita. Nakakapag-ipon din sya para sa pag-aaral ng mga kapatid nya. Tumutulong din si Melba sa kanya, bukod sa iskolar ito, nagtitinda din ito sa palengke tuwing sabado at linggo.
Masasabi niyang nakakaluwag naman sila sa buhay, dahi narin sa malaki naman ang kita nya at mabait ang dagat. Ngunit nasira lahat ng plano niya dahil sa isang trahedya.
Isang araw habang nangingisda sya sa laot, ay may barkong dumaan sa kanila. Napansin nya na nadadalas ito sa laot. Tinanong niya ang mga kasama niya kung anong ginagawa ng barkong ito sa dagat.
“Commercial fishing vessel daw ang tawag dyan, yan ang dahilan kung bakit kumukonti ang huli nating isda!”galit na sabi ni Berto.
“Dapat lumayo sila teritoryo natin ito, malaki naman ang sasakyan nila dapa sa malayo sila manghuli ng isda!” sabi ni Andres.
Kung gayon ang mga ito pala ang dahil kung bakit kumukonti nalang ang huli nilang isda.
Dumaan pa ang sumunod na araw at lalong kumukonti ang mga huli niya. Maging si Aling Martha ay napapansin ito. Ikinuwento niya ditto ang dahilan, nalungkot ito para sa kaniya dahil alam nito na pangingisda lamang ang ikinabubuhay nilang magkakapatid.
“Bakit hindi tayo gumamit ng dinamita, oo masasabi nating bawal nga ito pero mas marami ang mahuhuli nating isda.” Sabi ni Andres nang minsang nakipag-inuman sya sa mga ito.
“Oo nga! Sige kakausapin ko yung kaibigan ko na nag-aalok sa akin ng dinamita. Mura lang daw ang benta nya. Ikaw Ben gusto mo rin bang bumili?” tanong sa kanya ni Berto.
Naisip niya ang mga kapatid niya, malaki nga naman ang kikitain niya kung marami silang mahuhuli at malaki rin ang tulong ng dinamita. Pumayag siya sa suhestyon ng mga ito.
Sa mga sumunod na araw dinamita na ang gamit nya sa pangingisda, tama nga ang mga kasama nya marami ang huli nila. Tuwang-tuwa si Aling Martha sa mga huli nya. Subalit hindi nito binili ang mga maliliit na huli nya. Pinaliwanagan sya nito na wag huliin ang mga maliliit ngunit isinawalang-bahala niya dahil talagang madadamay ang mga maliliit na isda sa panghuhuli nila dahil dinamita na ang gamit nya sa pangingisda. Iniuwi na lamang niya ang mga hindi naibenta at ipinaluto kay Mabel.
Maraming araw pa ang sumunod, lalong lumaki ang kita at ipon niya.inihanda niya lahat para sa pasukan sa sususnod na taon. Magtatapos na si Mabel samantalang grade one naman si Jun-jun. Masaya sya sa mga nangyayari at kahit pa illegal ang paraan nya sa pangingisda ay ayos lang magiging maingat na lamang sya upang makaiwas sya sa aksidente.
Ngunit isang araw, ginulantang sya ng isang masamang balita. Kababalik nya galing sa pangingisda, Masaya ulit dahil marami na naman siyang huli. Namumutla siyang sinalubong ni Aling Martha.
“Mabuti at dumating ka na Ben.”salubong nito sa kanya.
“Bakit po Aling Martha, may problema po ba?”
“A-ang b-bahay n-nyo …..” nauutal na sabi nito.
Hindi na nya ito pinatapos, nagmamadali niyang pinuntahan ang bahay nila. Naabutan niya itong tupok na.
“Nagulat na lang kami Ben, may narinig kaming malakas na pagsabog. At galing iyon sa bahay nyo, hindi na naming natulungan ang mga kapatid mo. Natupok na sila sa loob, ikinalulungkot ko ang nangyari.” kwento sa kanya ni Aling Selya.
Nanghina sya sa narinig, hindi na nya napansin ang paglabo ng mata niya dahil sa luha. Hindi! Hindi nya matanggap na siya ang dahilan kung bakit nasira ang magandang kinabukasan ng mga kapatid nya. Nasunog ang mga ito kasabay ng mga pangarap niya para sa mga ito. Sinisi niya ang lahat ang unang dahilan kung bakit sya gumamit ng dinamita, ang sarili niya dahil sa taas ng pangarap nya. Ngayon nag-iisa na lang siya, ano pang silbi ng buhay nya ngayong wala na ang mga dahilan ng pangarap niya. Wala na sina Mabel Jun-jun at Liya, wala na siyang pamilya.
Nakiramay ang lahat isang araw lang ang lamay ng mga kapatid niya, ipinalibing nya agad ang mga ito. Tinulungan siya ng mga kaibigan at kamag-anak niya upang bumangon ulit. Pinatira sya ng tito nya sa bahay nito pansamantala, malapit ito sa dagat kung kaya’t araw-araw din niyang naaalala ang lahat.
“Ben, kanina ka pa dyan. Tayo na at mahaba ang byahe papuntang Bulacan.” yaya sa kanya ng Tiyo Mario nya.
“Sige po.” muli ay tinignan niya ang dagat at nagpaalam.
“Paalam Mabel, Jun-jun , Liya. Paalam sa mga magagandang ala-ala, ngayon haharapin ko na ang bukas nang wala kayo.”
Kukunin siya ng Tiyo Mario niya upang pag-aralin sa Maynila at upang ilayo sa dagat upang madali sa kanya ang paglimot sa masaklap na nangyari sa mga kapatid niya. Alam niyang mahirap pero sisikapin niyang makalimot at alalahanin na lamang niya ang mga masayang ala-ala. Siya na lamang ang bubuo sa mga pangaarap niya para sa mga kapatid nya. Ang magandang hinaharap na para sana kina Mabel, Jun-jun at Liya.
Wakas
Mang Nestor
October 18, 2010
Mang Nestor
Ni: Mary Grace Pingol
Hindi pa man sumisikat ang araw ay naghahanda na si Ruben. Araw na ng anihan, sa wakas! Ito ang pinakahihintay na araw nilang mga magsasaka dahil nagbunga na ang pagod nila sa araw-araw na pagsasaka.
Napakasarap isipin na makakabili na sya ng bagong damit para sa dalawang anak nya. Mabibilhan na rin nya si Agnes ng pinapangarap nitong bestida na lagi nitong tinitignan tuwing dumadaan sila sa maliit na palengke sa kanilang nayon.
Sa daan nasalubong niya si Mang Nestor, kitang-kita sa mukha nito ang panlulumo. Agad niya itong nilapitan upang tanungin ang problema nito.
“Kumusta Manong Nestor, bakit mukhang may problema ka ah?” puna nya rito.
“O, ikaw pala Ruben, nag-usap kami ni Gng. Andrada isa lang daw sa bawat limang sakong bigas ang makukuha ko sa maaani naming. Inaasahan ko pa naman ang perang kikitain ko para sa panganay ko sa pasukan.” malungkot na pahayag nito.
“Tsk! Hindi po talaga iyon patas Manong! Kayo po ang naghirap dapat pantay ang hatian nyo!”
“Bakit iyong sa amo mo ba? Paano ang hatian ninyo?
“Sapat naman na po ang nakukuha ko kahit papaano.”
“Pero pabor ka ba? Aminin mo hindi rin pantay ang hatian ninyo ng iyong amo.”
“Opo, pero wala naman po tayong magagawa dahil sila naman po ang may-ari ng lupang ating sinasaka.”
“Hindi sapat na dahilan iyon Ruben, oras naman na para lumaban tayo! Dapat lang na pantay ang makuha natin sa lupang ating sinasaka!”
“Ano po ba ang dapat nating gawin?”
“Pupulungin ko ang ating mga ka-nayon. Hindi ako makapapayag sa mga nangyayari dapat na tayong lumaban!”
“Kayo po ang bahala, sige po mauna na ako at marami pang gagawin ngayong araw na ito.”
“Sige.”
Sa daan naisip nyang may punto nga rin naman ang mga sinabi ni Mang Ruben. Hindi na rin pantay ang lahat. Subalit kung lumaban din siya at hindi sila manalo saan sila pupulutin ng mag-anak nya.
Talaga ngang hindi na pantay ang lahat ngayon. Nakakalungkot isipin na sila ang naghihirap subalit maliit lamang ang nakukuha nila sa pinaghirapan nila.
Sa palayan bakas sa mukha ng kapwa niya magsasaka ang hirap nila. Nakaramdam siya ng habag di lang sa mga kasamahan niya kundi para narin sa sarili niya.
Tama si Mang Nestor dapat na nga silang lumaban!
Nang matapos ang gawain niya sa bukid ay agad niyang hinanap si Mang Nestor upang makausap ito ng personal tungkol sa plano niyang pagsali sa plano nilang pag-aalsa. Natagpuan niya ito kasama ang mga kapwa niya magsasaka sa bahay nina Mang Selyo at Aling Berta at mukhang abala na ang mga ito sa pagpla-plano.
Nakita siya ni Mang Nestor, agad itong lumapit at natutuwang tinapik siya sa balikat.
“Natutuwa ako at pumayag ka na rin sa aking ideya ng pag-alsa.” natutuwang saad nito.
“Naisip ko po na tama kayo, dapat na nga po tayong lumaban!”
“Halika na at nang makapag-umpisa na tayo. Ikaw na lang ang hinihintay naming nang masimulan na ang pagpupulong.”
Sa loob ng bahay nina Mang Selyo ay naroon lahat ng magsasaka sa kanilang nayon, lahat sila ay nasisiyahan nang makita siya na nakibahagi narin sa plano nilang pag-aalsa.
Napagplanuhan nila na sa Lunes ng umaga gaganapin ang rally at sa harap ng munisipyo upang mismong ang mayor ang makarinig ng kanilang hinaing.
May tatlong araw pa para sa preparasyon.
Pag-uwi nya sa kanilang bahay ay agad niyang kinausap si Agnes tungkol sa plano nilang pag-aalsa.
“Paano kung mapahamak kayo? Mayayaman ang makakabangga ninyo maaring patayin nila kayo ng walang pag-aalinlangan! Paano kami ng mga anak mo kapag may nangyaring masama sa iyo!” umiiyak na saad ni Agnes.
“Karapatan namin ang ipaglalaban namin Agnes. Ito ang tanging paraan, malay mo magtagumpay kami. Pakikipagsapalaran ang tanging paraan upang maatim namin ang mithiin namin. Para rin ito sa mga anak mo.” paliwanag niya.
“Pero paano kung may nangyari sa iyo, di ko kakayanin kung mawawala ka!”
“Huwag kang mag-alala, di rin naman ako papayag na may mangyaring masama sa akin.”
Lunes 8:00 pa lang ng umaga ay nasa harapan na sila ng munisipyo. Subalit itinaboy sila ng mga pulis at militar na tauhan ng mayor kaya napilitan silang umalis. Bigo sila sapagkat hindi sila hinarap ng mayor at hindi napakinggan ang kanilang hinaing.
Sa bahay ni Mang Nestor sila agad dumiretso upang magpulong sa kanilang susunod na gagawin.
“Marami pa tayong pagkakataon, hindi hadlang ang ating unang pagkabigo. Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan, tandaan nyo ang ginagawa natin ito para sa ating mga mahal sa buhay.” sabi ni Mang Nestor.
Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Mang Nestor.
Nang sumunod na araw, hindi inasahan ng lahat ang sumunod na nangyari. Bumisita ang mga may-ari ng lupang kanilang sinasaka sa kanilang nayon upang personal silang makausap ng mga ito. Ang buong akala nila ay isa magandang senyales ito na nagtagumpay sila.
“Nandito kami upang sabihin sa inyo na kung hindi kayo pabor sa patakaran naming, ipapasaka nalang namin ang mga lupa naming sa iba.” ani ni Gng. Castro.
“Hindi naman yata tama yun Misis, kami ang maghihirap dito, wala nang makakain ang aming pamilya kapag ginawa nyo iyon. Ang nais lang po naming ay madagdagan ang para sa amin dahil kami rin naman ang naghihirap.” ani ni Mang Nestor.
“Kami ang masusunod dahil amin ang lupang sinasaka nyo, kung hindi kayo pabor marami naman diyan na maaaring sumaka sa aming mga sakahan.”
Matapos ang pulong nanlumo ang lahat.
Muli ay nagpulong sila sa bahay ni Mang Nestor.
“Wala na tayong magagawa Mang Nestor, hindi rin nila tayo papakinggan.” malungkot na saad ni Ruben.
“Hindi pa ito ang katapusan Ruben, marami pa tayong magagawa.”
“Pero nakikinita ko na Manong, wala talaga tayong magagawa malaking pader ang binabangga natin.”
Ang lahat ay pumabor kay Ruben at hindi na itinuloy ang plano nilang pag-aalsa. Nalungkot si Mang Nestor, ngunit naiintindihan nya ang kanyang mga kanayon saan nga naman sila pupulutin kung alisin sa kanila ang tanging napagkakakitaan nila.
Bumalik ang lahat sa dati, nagsasaka ang mga magsasaka na hindi nagrereklamo sa kanilang kinikita. Naninibago ang lahat kay Mang Nestor dahil madalas itong wala, lagi itong umaakyat sa bundok na malapit sa kanila, tatlong araw ang ginugugol nito doon sa loob ng isang lingo na dahilan ng pagtataka ng lahat.
Isang araw habang nasa palengke sina Ruben kasama ang pamilya niya nang masalubong si Mang Nestor. Lalapitan sana nya ito nang biglang huminto ang isang puting van sa tapat ni Mang Nestor at sapilitan itong isinakay ng mga di kilalang lalaki sa loob ng van. Nagsisigaw ang asawa ni Mang Nestor subalit wala ring nagawa ang lahat dahil armado ng baril ang mga lalaki.
Humingi ng tulong ang asawa ni Mang Nestor sa mga pulis at agad naming kumilos ang mga ito upang simulan ang paghahanap.
Bumisita si Ruben sa bahay ni Mang Nestor upang bisitahin ang asawa nito.
“Kumusta po Aling Maria?” aniya. Naabutan niya ito sa sala tahimik na umiiyak, mag-isa ito sapagkat pumasok sa eskwelahan ang dalawang anak nila.
“Nag-aalala parin ako Ruben, wala paring nangyayari sa paghahanap sa kanya.”
“Ipagdasal po natin ang kaligtasan nya, sa ngayon iyon lamang ang magagawa natin.”
“Sinabi ko na kasi sa kanya na mapapahamak lang sya kapag sumali sya sa mga NPA na yan!” humahagulgol na saad ni Aling Maria na labis niyang ikinabigla.
“NPA po si Mang Nestor?”
“Atin lang ito Ruben, sumali sya sa grupong yun dala ng sobrang pagmamahal nya sa nayon natin. Naisip nya na iyon na lang ang tanging paraan upang makatulong. Nagbabakasakali sya na kung sasali sya sa NPA ay makakatulong sya sa nayon natin.”
“Subalit hindi ba nya naisip na maaari syang mapahamak!”
“Handang i-buwis ni Nestor ang buhay nya mapakinggan lamang ang mga hinaing nating mga magsasaka.”
“Siya, pananatihilin kong lihim ang aking nalaman. Mauna na po ako.”
Dalawang linggo ang matuling lumipas subalit hindi pa rin nahahanap si Mang Nestor. Nawawalan na ng pag-asa ang lahat. Hanggang sa isang araw isang bangkay ang natagpuan sa isang ilog malayo sa nayon nila.
Agad itong pinuntahan nina Ruben kasama si Aling Maria upang kilalanin kung si Mang Nestor ito. Medyo mabaho na ang bangkay, hubad at halatang pinahirapan sa mga tinamong sugat at wasak ang mukha. Napahagulgol si Aling Maria nang makilala ang bangkay na si Mang Nestor nga ang palatandaan ni Aling Maria ay ang malaking nunal sa paa ni Mang Nestor na kanya ring nakita sa bangkay.
“Mga hayop! Mga hayop sila! Hindi na sila naawa sa asawa ko, sobrang pagpapahirap ang ginawa nila!” umiiyak sa galit na sigaw ni Aling Maria.
Dinala nila sa morgue ang bangkay ni Mang Nestor, agad naming nagbigay ng tulong ang mayor at iba pang opisyal sa kanilang lugar. Isang araw lang na pinaglamayan ang mga labi ni Mang Nestor dahil sa masaklap na nangyari sa bangkay nito.
Isang rally ang kanilang isinagawa bilang paghingi ng hustisya sa nangyari kay Mang Nestor. Hindi man mabigyan ng hustisya ay Masaya si Aling Maria sapagkat marami ang nagmamahal sa asawa nya. Tinulungan din sya ng mga ito na itaguyod ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Binigyan sya ng pwesto sa palengke ng kanilang mayor para sa araw-araw na pangangailangan nila.
Alam nya na hindi na mabibigyan ng hustisya ang asawa nya. At magpasa-hanggang ngayon nanatiling lihim nila ni Ruben ang tunay na dahilan kung bakit laging umaakyat sa bundok malapit sa kanila si Mang Nestor at namamalagi doon ng tatlong araw.
Wakas
Watching Video Scandal: Is it Legal Or Illegal
January 20, 2010Who among us can forget the “careless whisper scandal” by Hayden Kho and Katrina Halili? For the whole year it has been the much talk of the town. Most teenagers have it on their phones, and some watch it in Youtube or in Spankwire.com.
We cannot deny that the virus of pornography addictus had been infected the teenage population.
Let me tackle two of my most unforgettable experience, the true reason why I wrote this article. As an IT student I have always been a computer addict. I love internet surfing, logging in into facebook and playing farmville. Of course I have to explore all the computer shops to know where is the best and the cheapest. I have my top 3 favorite internet shops and of course I always visit the top 1. But one day top 1 and top 2 is full so I went to my top 3 favorite internet shop.
While listening to a song entitled always by Bon Jovi and playing Farmville, four highschool students on my side annoyed me because they are giggling and laughing. Curiosity attacks me so I sneak on on what they are watching ang guess what? O.M.G.!!! They are watching video scandal! They are only 14 years old for Godsake! Why are the owner of the said computer shop allows this underage students watch malicious and impertinent videos. This students shall learn in school not spending their time watching scandals. The allowance that they have from their parents who’s working hard just to send them in school is for their needs like transportation and food not wasting it just to watch this pornographic videos.
Second story was last Christmas 2009, before Christmas Eve me and my friends went to a café to surf the internet while waiting for Christmas to come. A teenager around 13-15 near me was watching a hentai( an anime pornography). He spent his time watching it, and when he came out to the said café he shouted “I want to F*** someone!!! At a very young age!It was so annoying! As far as I concerned watching scandals is prohibited for underage people right? But why some café owners are not following this rule? Actually it is just a simple rule and it is so easy to follow.
My eyes and ears can’t deny that this so called pornography addictus had been infected us. But think of it guys, most women of the said scandals are also victims. Some are intended just to gain money and some are not. They are only trapped in to the snare of this pornography sindicate. This sindicate put some drugs into their drinks and boom in just a few hours a scandal is already made and will sell it for a higher price.
This heartless people will not make impertinent scandals if we are not going to patronize it. Respect the women in this scandal, you also have your mother and sisters. They don’t deserve any criticize from us because they are only victims.
To my fellow students,think twice before watching scandals. Be a good citizen!Be a good student! Say No To Pornography!#
Delayed
January 18, 2010
“Delayed”
Isa akong tipikal na estudyante, at sa araw-araw na ginawa ng diyos, tatlong lugar lang ang madalas kong puntahan, bahay-eskwela-computer shop. Walang sawa kong ginugugol ang oras ko sa paglalara ng farmville sa facebook.
Hanggang isang araw, isang mensahe mula sa di-kilalang numero ang bumago sa takbo ng tahimik kong buhay.
“do you biliv in luv @ 1st syt? Coz d 1st tym I saw u fel in luv w/ u.. ^_^”
Dala ng aking “curiousity” ay sinubalitan ko ang mensahe niya.
“hu u? how did u got mu number?”
“I am Michael from maritime dpartment. Can I court u?”
“di aq nagpa2ligaw sa txt sori..”
“den I’ll court u in person”
“ok I have 2 slip na, gudnyt.:)”
“see you Angela.”
Kinabukasan, sa hallway ng aming paaralan, napansin ko ang isang lalaking kanina pa nakatingin sa akin. Lumakas ang kabog ng aking dibdib nang siya ay lumapit sa akin. Nakipag-usap siya sa akin at sinabing siya si Michael Ancheta. Inihayag niya ang kanyang damdamin para sa akin.
At dahil nakaramdam din ako ng atraksyon sa kaguwapuhan at kabaitang taglay niya. Sa loob ng isang buwang panliligaw niya sa akin ay walang alinlangan ko siyang sinagot.
Sa araw-araw na kami’y magkasama, lalong nahuhulog ang aking damdamin para sa kanya. Lagi niyang ipinapadama ang pagmamahal niya para sa akin. Para akong lumulutang sa ulap sa tuwing ako’y kanyang hinahalikan. Masasabi kong siya na talaga ang para sa akin at ako’y para sa kanya.
Tatlong buwan na kaming mag-on nang hilingin niya sa akin na sa bahay niya ako matulog dahil wala ang parents niya. At dala ng bugso ng aking damdamin na makasama siya, nagsinungaling ako sa parents ko na may project akong kailangang tapusin sa bahay ng kaklase ko.Kasinungalingang aking idnahilan upang makasama lang si Michael.
Nang gabing iyon sa loob ng kanyang kwarto ginawa namin ang isang bagay na tama para sa amin at para sa kanila ay mali. Hindi ako nanghihinayang sa nawala sa akin dahil mahal naman ako ni Michael at nangako siyang hindi niya ako iiwan.
Matapos ang gabing iyon, maraming beses pa naming ginawa ni Michael ang sinasabi niyang gawain ng mga tunay na nagmamahalan. Madalas akong mag-cutting classes upang makasama ko sya kahit sandali lang sapat na yun dahil naipapadama nya kung gaano nya ako kamahal.
Dalawang buwan ang matuling lumipas nang maramdaman ko ang pagbabago sa aking katawan. Delayed ako ng dalawang buwan sa aking buwanang dalaw, madalas din akong magduwal tuwing nakakaamoy ako ng di kanais-nais na amoy, at namimili ako ng pagkain.
Agad akong nagpatingin sa doktor at ayon sa resulta ng eksaminasyon sa akin ng doktor ay dalawang buwan na akong buntis.
Buntis?? Dise-sais palang ako’y magiging ina na ako! Lubos ang kasiyahang aking nadama dahil ang baby namin ni Michael ang susi upang hindi na kami magkahiwalay pa.
Agad akong nagtxt kay Michael para sabihin na magiging daddy na sya.
Subalit para akong binagsakan ng langit at lupa ng mabasa ko ang subalit niya sa aking mensahe.
“im sori Angel, I’m not ready face dat consequence, besyds babalik na kmi ng family q sa Cebu.”
“pero Mike, panu ang bata di rin ako handa, at panu ako?”
“ewan ko ipalaglag mo nalang cguro. Maki2pagbreak narin aq, wla ka nang mahi2ntay sa akin”
Iyon ang huling mensahe niya, ilang beses ko siyang tinawagan subalit hindi ko na makontak ang numerong ginagamit nya. Hindi ko na rin siya nakita simula noon. At ayon sa mga kaibigan niya ay umalis na siya patungong Cebu. Sinubukan ko ring puntahan ang tinitirahan nilang bahay subalit iba na ang nakatira doon. Sa madaling salita iniwan na ako ni Michael at lahat ng ipinangako niya sa akin ay pawang mga kasinungalingan lamang.
Sa edad kong ito hindi ko pa kayang maging ina kung wala na si Michael sa tabi ko para suportahan ako. Wala na ring kwenta kung isisilang ko pa ang batang nasa sinapupunan ko.hindi ko rin kayang harapin ang mga magulang ko.
Nagpatulong ako sa aking kaibigan na maghanap ng manghihilot. Desidido na akong ipalaglag ang bata tulad ng nais ni Michael.
Nakilala ko si Aling Selya at sa halagang limandaan ay pumayag siyan ilaglag ang batang nasa aking sinapupunan.
“ At sa loob ng isang madilim na kwarto walang alinlangan kong tinapos ang batang may maganda sanang kinabukasan kung isisilang sa mundo. Walang pagsisisi kong pinatay ang aking anak.


Sa ngayon isa na akong full-time volunteer sa Kabataan Partylist, mahirap man masaya na ako kung nasaan man ako ngayon.

